Wednesday, November 6, 2019

Inside a Tropic Tramper's mind




A “tropic tramper” where hiking is part of my lifestyle. Hiking relaxes my mind, invigorates my body and refreshes my soul.


I feel that hiking is what I am passionate about.  It is also my premise in life.  Whenever I climb mountains, I am always determined to reach the summit and back. And I feel empowered with that. That I can do great things.  A will to reach my goal despite challenges. 




Occasionally things never happen the way you wish them to be. There were bad times; bad weather unfavorable things that hinder you. Trials always await you somewhere.  And when you are that brink of disappointment, you then ask yourself: why am I doing this in the first place?  I can be just relaxing at the comfort of my home watching my favorite movie or eating my favorite snacks.  But then you still persist.  You realize it is part of the adventure.  You still wish to do it despite the challenges. Negative things are part of what make Positive things encouraging in pursuing.  They add meaning to your quest for success.  And with fellow hikers around you,  good camaraderie, and beautiful things around you…..  You are urged to continue and enjoy the moments.








Bakit ba ako umaakyat ng bundok?

Bakit nga ba tayo umaakyat ng bundok?

Una ay pagka mangha sa angking kagandahan ng kapaligiran, kagustuhan mong ito ay makapiling at maging kabahagi, kasunod ang pagsubok at sigla na ito ay tunguhin at sa huli....marating ang dulo nito, mapagtagumpayan ang hirap at maranasan ang matamis mong tagumpay.

Nabighani ka sa kanyang likas na ganda at ninais mong itoy higit pang madama kung mararating siya. Wagas ang kaligayang madarama sa piling niya.

Ang paglalakbay patungo sa taluktok niya ay isang pagsubok at pagkilala sa kakayahan mong makamit ang isang mithi.  Pagnanais na maisagawa ang isang bagay na hindi nagagawa ng karaniwang pagsiskap lamang.  Sa sandaling nalampasan mo ang pagsubok
at makarating sa iyong inaasam na tugatog....matatanaw ang kadakilaan mula sa itaas.

Ang taas nang narating, ang tagumpay na nadama. Magbunyi ka.  Pagpupunyagi na minsan ay nakalilinlang.  At mapapaisip kang muli, Hindi lang ikaw ang nakagawa nito. madami pa.  Hindi mo din mabilang sa iyong mga daliri.  Ang katotohanan....may iba pang mas mahusay na nilalang ang nakagawa nito.  Kung kaya, dahil dito, muli mong balikan ang iyong mga hakbang at suriing lubos ang iyong sarili:

"Anumang tayog ang marating,  siya naman sanang pagpapkumbaba ang damahin."

Hindi lamang pala sa iyo umiikot ang mundo.  Mapagtatanto mo na isa ka lang palang maliit na tuldok sa kalawakan.  Isang butil ng buhangin lamang sa tila walang hanggang dalampasigan.  Ang katotothanan, kung sinserong susuriin ang sarili.... Isa kang munti, payak, na may isang ga-patak lang na kakayahan.   Matayog man ang narating, dapat manatiling nakatapak ang mga paa sa lupa.

At sa huli, ang katotohanan lamang ang mahalaga at magpapalaya sa iyo.

HAYAAN NA LAMANG




















Bakit nga ba?

Pagsikapan makamtan aking paraiso
Buhay na iginuhit ng isip at damdamin ko
Danasin ang hirap maitawid ang inaasam
Sa pagaakalang meron itong sukdulan

Hayaan na lamang
Tangapin ang kaganapan
Ang aking paraiso
Malayong patunguhan

Ang paraio ba ay bagay na nais kong makamtan?
O kondisyon ng buhay labis kong inaasam
Totoong ligaya ba'y nilalasap lang o nahahawakan?
Puso at isipan ko uhaw sa katiyakan

Hayaan na lamang
Tangapin ang kaganapan
Ang aking paraiso
Malayong patunguhan

Aking paraiso malapit ka na ba?
Hindi kita matanganan, kapos din madama
Ang panahon ay lumilipas
Lakas ko tuloy sa pagbawas
Sa kawalan at kalungkutan pilit pa rin umaasa

Hayaan na lamang
Tangapin ang kaganapan
Ang aking paraiso
Malayong patunguhan

Bulag man ako at walang natatanaw
Tiwala ang sandigan magpakabuti araw-araw
Umaasang sa huli regalo ay makakamit
Nakakapagpagaan sa aking damdamin saglit

Hayaan na lamang
Tangapin ang kaganapan
Ang aking paraiso
Malayong patunguhan