Perennial phenomenon sa Pilipinas ang mga katiwalian mula makaluma hanggang sa kasalukuyang panahon. Nagbago man ang mga katauhan at paksa, sa paglipas ng panahon ngunit ang pagtataksil, paulit-ulit lang. Kultura bang maitatangi at kaisipang nakagawian o nakamulatan? Tantuin ang ating mga sarili kung saan tayo nabibilang: Nagsasamantala, nagpapagamit, nanloloko, nagpapaubaya, nagtutulog-tulugan at nagbibingihan na ang ugat ay para sa sariling kapakanan, personal na interes......sa tahasang salita.....pagkamakasarili, kasakiman. Pakinabang, "ako muna!" bahala kayo na nasa likuran at nasa ibaba ko!
Kaunlaran? Anong buti ng mga pagpapakilala anong linaw na mga paliwanag, anong tamis ng mga pangako.
Para sa akin, ang kaunlaran ay mga pagbabago sa mga nakagisnan na ang punong layon ay makapagdulot ng malawakang pakinabang sa mamamayan. Huwad na kaunlaran kung ang mabibiyayaan lamang ay iilan, pinili o ipinagdamot sa pangkalahatan. Hindi kaunlaran kundi pagmamalabis sa sakripisyo ng iba na mas nakararami.
Sa kasaysayan ng bansa, napagtanto ko na ganito talaga ang lahi natin. Nakalulungkot, paulit-ulit lang nating ipinakikilala sa mundo ang ating pagkatao. Ang kahinaan nating iyan ang nagbubukas isip sa iba upang tayo ay pagsamantalahan.
Bayan ko, kailan mo matatamasa ang tunay na biyaya ng buhay sa sariling bansa? Darating pa ba ito? Kailan tayo tatayo?!
No comments:
Post a Comment