Sunday, December 9, 2018

Bakit nga ba tayo umaakyat ng bundok?













written August 2016


Bakit nga ba tayo umaakyat ng bundok?

Una ay pagka mangha sa angking kagandahan ng kapaligiran, kagustuhan mong ito ay makapiling at maging kabahagi, kasunod ang pagsubok at sigla na ito ay tunguhin at sa huli..............marating ang dulo nito at ang matamis na tagumpay.

Nagighani ka sa kanayang likas na ganda at ninais mong itoy highjt pang madama kung mararating  siya.  Wagas ang kaligayahjang madarama sa piling niya.

Ang paglalakbay patungo sa taluktok niya ay isang Pagsubok at Pagkilala sa kakayahan mong makamit ang isang mithi.  Pagnanais na maisagawa ang isang bagay na hindi nagagawa ng karaniwang pagsisikap lamang.  Sa sandaling nalampasan mo ang pagsubok at makarating sa iyong inaasam na tugatog...matatanw ang kadakilaan mula sa itaas.  Ang taas nang narating, ang tagumpay na nadama.  Pagpupunyagi na misan ay nakalilinlang.  At mapapaisip kang muli.......hindi lang iklaw ang nakagawa nito..madami pa.  Hindi mo din mabilang sa iyong mga daliri.  Ang katotohanan..may iba pang mas mahusay na nilalang ang nakagawaq nito.

Kun kaya, dahil dito, muli mong balikan ang iyon mga hakbang at suriinng lubos ang iyong sarili.  Anumang tayog ang marating.........siya naman sanang pagpapakumbaba ang damahin.  Hindi lamang pala sa iyo umiikot ang mundo.  Mapatatanto mo na isa ka lang palang maliit na tuldok sa kalawakan....isng butil ng buhaningi lamang sa tila walang hanggang dalampasigan.  ang katotohanan kung sinserong susuriin ang sarili. Isa kang munti, payak, na may isang ga-patak lang na kakayahan.  Matayog man ang narating, dapat manatiling nakatapak ang mga paa sa lupa.

At sa huli, ang katotohanan lamang ang mahalaga at makapagpapalaya sa iyo.

No comments:

Post a Comment