Sunday, December 9, 2018
HOW TO PREPARE AN AHON HIKE
written March 2013
HOW TO PREPARE AN AHON HIKE
1. Maagap na humanap ng ka-Ahon na kukuha ang attendance ng lahat ng participants sa araw ng hike. Ang ka-Ahon na ito ang pinaka maagang darating sa Assembly area upang magpatala ng bawat isa na sasama sa hike. Huwag kalilimutang magdala ng ballpen at papel sa attendance. Kapag sumapit na ang takdang oras nang pag-alis ng buong grupo, siya rin ang magpapahayag kung ilan lahat ang dumating at sasama sa hike.
2. Maaga ding mag talaga ng Magdarasal bago magsimula ang hike. ang hike host ang magsasabi sa ka-Ahon na magdarasal kung saang lugar iipunin ang mga participants upang magdasal.
3. Bago umali sa Assembly area, tiyakin kung ilan ang lahat ng kasama. ang hike host ang makikipag-ugnayan sa gagamitin na sasakyan ng grupo. Ang hike host din ang magbibigay ng briefing sa lahat ng participants kung magkano ang magiging pamasahe patungo sa hike venue at pabalik ng Nagcarlan. Kasama din sa briefging kung magkano ang mga necessary fees para sa hike, kung meron man. Halimbawa: baragnay fees, parking fee, guide fee.
4. technical briefong bago mag hike. Magtatalaga ang hike host ng makakatulong na mga ka-Ahon tungkol sa Trail Management. Lead-Mid-Sweep assighments at anu-ano ang magiging partikular na trabaho ng bawat isa. Maging responsable at isaisip ang ideal distacne ng bawat participabnts sa isat-isa upang maiwasan ang pagkaputol ng linya, sanhi ng pagkawal ng maagap na komunikasyon at tuluyang pagkaligaw sa tamang landas.
5. Magbigay din ng paalala tungkol sa LNT at ang muling pagdadalao pag-uuwi ng lahat ng ating mga basura. Ipaunawa sa bawat isangng kasama ang tamang pag-uugali paano natin isasagawa ang paggalang sa ating kalikasan at ang pag iwas sa anumang kadahilanan ng pagkasira ng anumang bagay na sa kapaligiran. Kasama din ang tamang paggamit at pagiwas sa pagkasira ng mga landas na ating dinaraanan.
6. Ang AHON ay walang inaasahang kasamang nakatalaga sa First Aid. Dapat unawain na ang kaligtasan ng lahat ang unang isinasaalang-alang ng grupo. Sakaling may pangyayari kung saan may nasaktan o nasugatan, ang bawat isa ay may sapat na kaalaman upang magbigay lunas sa sarili sa sandali ng pangangailangan. ANG BAWAT ISA AY INAASAHANG MAG-IINGAT, IIWAS, TATAKWIL sa anumang maging dahilan ng sakuna at may dalang sari-sariling FIRST AID KIT na tutugon sa pangangailangan at uang lunas sa skuna at gamot sa mga personal na karamdaman keung meron man.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment